Pangarap….

Lagi natin sinasabi dati
Na ang pagmamahalan natin walang katapusan
Ang sabi mo sa akin walang pwedeng makapaghiwalay sa atin, na tayo ay magtatagal habang buhay
Alam ko ika’y totoo ngunit nasan na ang mga pangako….
Pangako na hanggang ngayon aking inaasam

Sa haba ng panahon
Lagi ko pa rin tinatanong kung bakit ba inibig kita
Bakit ba hindi ko magawang iwasan ang lahat
Kahit nasasaktan ako sa katutuhan na…
Ngayon ang puso mo’y mayroong umaangkin

Dapat ko bang pigilan itong naramdaman kong ito?
Kahit lagi tayo nagkikita….
Ayaw ko ng umaasa sa pag-ibig na ito
Wag na tayong umasa
Masasaktan lamang tayo…
Ang mga pangarap natin ay isa isa ng naglaho
Hinding hindi na mangyayari habang sa atin ay may nagmamay-ari

Hanggang ngayon….
Hindi ko pa rin kaya ang wala ka….
Hindi ko kayang mag-isa…
Nasasaktan ko lang mga tao sa paligid ko dahil sa pagmamahal na to…
Tulungan mo akong malimot ka
Pagkat di na dapat pang ibigin ka

Leave a Reply